Personal

<p>

 

Sinubukan kong magturo gamit ang isang social network na kung tawagin sa aming lugar ay Facebook. Sa Facebook maaari kang makipag-text chat o makipagvideo chat. Isang maayos na paraan ito upang magturo sapagkat nasasakop niya ang karamihan ng pandama subalit may pagkukulang pa rin. Iba pa rin ang pakiramdam kapag personal na itinuturo sa iyong ang isang bagay kaysa sa gumamit pa ng isang midyum ng pagtuturo.

Para sa akin, ang pagtuturo ay dapat nasa personal na level upang maging epektibo.

 

</p>

Tunog

Time travel, isang konseptong nagpapatibok sa puso ko. Marahil kulang pa ang aking mga nalalaman kung kaya’t sinubukan kong matuto pa tungkol dito. Aking pinagtuunan ng pansin ang isang teknolohiyang kung tawagin ay Podcast.

Ang Podcast ay isang midyum kung saan ginagamit ang elemento ng tunog at pakikinig. Naglalaman ito ng sunud-sunod na mga bahagi ng isang buong programa na maaaring magkaroon ng iba’t ibang tema. Ang teorya ng pagtuto na ginamit dito ay karaniwang Cognitivism sapagkat ito ay parang isang panayam lamang na nangyayari sa isang silid-aralan. Ang lamang lang nito sa isang tradisyonal na pag-aaral ay pwede mo itong ulitin o i-rewind.

Sa tingin ko hindi ganoon kagandang midyum ng pagtuto ang Podcast sapagkat may kakulangan ng interaksyon na nakukuha natin sa isang silid-aralan. Ang Podcast din ay may isang naka-ayos na istuktura na hindi magbabago kahit hindi man ito sumasang-ayon sa paraan ng pagtuto ng estudyante hindi tulad ng sa isang silid-aralan.

Marahil ang isang dahilan kung bakit hindi ko gaano nagustuhan itong Podcast ay dahil naniniwala ako na ang mabuting paraan ng pagtuturo ay masmaraming pandama ang ginagamit at hindi lamang isa.

 

Mawi out

Silid-aralan

Ang pag-aaral at pagtuto ay dalawang magkaibigang bagay. Ang isa sa kanilang malaking pagkakaiba ay ang pagtuto ay kailanman hindi tumitigil. Ang paraan ng pagtuto ay isang patuloy na proseso. Tumitigil lang tayo matuto sa oras na tayo ay pumanaw.

Isa sa aking mga natutunan ay ang pagtuto ay hindi lamang nangyayari sa isang silid-aralan o paaralan. Maaari itong mabuo sa isang intelektwal na diskurso kasama ang iyong mga kaibigan. Ang mahalaga upang matuto ay ang inyong kagustuhan makamit ito. Ang pagtuto ay wala sa paaralan kundi nasa loob ng bawat isa sa atin.

 

Bow